Makakatanggap ng allowance mula sa gobyerno ang mga healthcare workers.
Ito ang sinabi ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kaugnay sa ipinatupad na one Covid-19 allowance.
Sa ilalim nito, tatanggap ang mga medical workers ng allowance na nagkakahalagang P3,000 hanggang P9,000.
Paliwanag ni Vergeire, hinati sa tatlong klasipikasyon ang mga nasabing indibidwal kung saan ang mga nasa high-risk ay makakakuha ng P9,000 na allowance, P6,000 naman para sa mga kabilang sa moderate risk habang P3,000 ang matatanggap ng nasa low risk.
Dagdag pa niya, kabilang sa high risk classification ang mga ospital tulad ng nasa administrative office at iba pa.
Samantala, ikinokonsidera rin ng kagawan ang mga Rural Health Units (RHU), Centers for Health Development Offices (CHD) at Regional Offices bilang bahagi ng low risk classification. —sa panulat ni Airiam Sancho