Pinalagan ng grupong Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang pahayag ng ilang business group na pag-utay-utayin ang pagbibigay ng taas-sweldo sa mga pampublikong paaralan.
Una nang ibinabala ng Makati Business Club, Management Association of the Philippines, Action for Reforms, Financial Executives Institutes of the Philippines, Foundation for Economic Freedom at Philippine Business for Education na magiging malaking pagkakaiba sa sweldo ng mga guro sa private at public schools ay posibleng magdulot ng migration sa mga guro at pressure sa pribadong paaralan.
Ayon kay ACT party-list rep. Antonio Tinio, mababa ang entry level sa mga private schools dahil madalas na contractual basis lamang ang mga ito.
Bagamat paglabag ito sa batas ay hindi naman ito maaring idahilan para hindi bigyan ng dagdag-sweldo ang mga public school teachers.
Iginiit ni Tinio na kung nanaisin lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ay maari naman nitong bigyan na ng wage hike ang mga guro tulad ng kanyang ginawa sa mga pulis at sundalo.