Naniniwala ang Department of Justice na pansamantala lamang ang pagsasara ng mga Lotto Outlet at iba pang mga Gaming Schemes sa ilalim ng PCSO
Ayon iyan kay Justice Sec. Menardo Guevarra matapos aminin nito na ikinagulat niya ang naging kautusan ng Pangulo kamakalawa na nagpapatigil sa operasyon ng mga naturang palaro
Pero ipinaliwanag lang ni Guevarra, may direktang kapangyarihan naman aniya ang pangulo para gawin ang nasabing hakbang dahil nasa ilalim ang PCSO ng tanggapan ng Pangulo
Kaya naman kinalma ni Guevarra ang publiko na maging mahinahon at hihintayin naman nila kung may iuutos man ang pangulo na imbestigahan ang sinasabi niyang katiwalian sa nasabing tanggapan