Mariing itinanggi ng Malacañang na inatasan nito ang Armed Forces of the Philippines na itigil na ang pagpapatrolya sa West Philippine Sea.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, imposibleng ipag-utos ito ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo na’t batid nito ang kahalagahan ng mga ginagawang pagbabantay ng AFP sa pinag-aagawang karagatan.
Sinabi naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, walang katotohanan ang naturang claim ni Cong. Gary Alejano.
Una nang sinabi ni AFP Spokesperson Colonel Edgard Arevalo na isang malinaw na paninira sa pangulo ang inilabas na ulat ng kongresista.