Pinabulaanan ng Palasyo na iniutos nito sa local government units na maghakot ng tao para dumalo sa anibersaryo.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, hindi totoo ang pahayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang bawat isang alkalde ay sinabihan nilang magdala ng 10,000 katao.
Binigyang diin ni Coloma na ipinaalam lamang ng Malacañang sa mga LGU ang mga aktibidad at nasa mga ito naman ang pagpapasya kung sila ay makikiisa sa mga aktibidad.
Contingency plan
Pinaplantsa na lang ng AFP Joint Taskgroup NCR ang contingency plan nito para sa ibibigay na seguridad sa anibersaryo ng EDSA revolution.
Ayon kay Col. Vic Tomas, Deputy Commander ng Joint Task Group, nakahanda na ang ipatutupad na security plan at patuloy din ang kanilang pakikipag-usap sa iba’t ibang kinauukulang ahensya para sa anibersaryo.
Sinabi ni Tomas na kanila nang inaasahan ang pagiging magarbo ng anibersaryo lalo na ito ang huling anibersaryo sa ilalim ng administrasyong Aquino.
By Katrina Valle | Aileen Taliping | Jonathan Andal