Hindi uubrang basta na lamang ipag utos ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdampot o mass arrest ng mga lider ng CPP NPA.
Ito ayon kay Bayan Muna Party List Representative Carlos Zarate ay dahil paglabag sa JASIG o Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees ang kautusang mass arrest ng Pangulo.
Sinabi ni Zarate na hanggat walang formal termination ng JASIG ay hindi maaaring arestuhin ang mga lider ng komunistang grupo.
Ang JASIG ay kasunduan ng gobyerno at NDF nuon pang 1995 na magsisilbing legal na proteksyon sa negotiators, consultants at iba pang kasama sa usapang pangkapayapaan.