Hinihintay pa rin ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang derektiba mula sa DOJ.
Ito ay hinggil sa pagsuspinde ng ahensya sa pag-aresto sa mga hindi sumukong preso na napalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Sa ngayon ay maghihintay na lamang ang pulisya sa anumang utos at listahan mula sa DOJ.
Samantala, hinikayat naman ng PNP ang mga hindi pa sumusuko na boluntaryo na lamang na magpunta sa pinakamalapit na police station upang maiwasan pa ang madugong engkwentro.