Tinawag na “very anti-poor” ni Senator Raffy Tulfo ang utos ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ipagbawal ang pagtitinda ng mga imported na isda tulad ng pampano at pink salmon sa mga palengke simula Disyembre a – 4.
Ginawang batayan ng BFAR ang Fisheries Administrative Order 195 noong 1999 kung saan ang binibigyan lamang ng exception sa certification para sa importasyon ng isda ay para sa canning at processing purposes.
Gayunman, kinuwestyon ni Tulfo kung bakit naisama ang mga insitutional buyers, gaya ng mga hotel at restaurant.
Lumalabas anya na ang mga mayayaman na lamang na kayang kumain sa mga restaurant at hotel ang pwedeng kumain ng Pampano at Pink Salmon pero ang mahihirap na sa mga pamilihan lang nakabibili ng imported na isda ay wala nang pagkakataong makakain nito.
Iginiit ng senador na ang nasabing hakbang ay malinaw na paglabag sa ‘Equal Protection’ at ang kautusan ng BFAR ay isang diskriminasyon laban sa mga maliliit na tindera sa merkado. —ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)