Tinutulan ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal ng barangay na arestuhin ang mga indibidwal na hindi pa bakunado.
Ayon kay VP Leni, bigyan dapat ng insentibo, hikayatin at huwag takutin ang mga unvaccinated individuals upang mas dumami pa ang bilang ng mga bakunado.
Ikinalungkot din ni Robredo ang pagiging kampante ng gobyerno sa mabilis na pagluwag ng restriksiyon na isa umano sa posibleng dahilan kaya tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Kahapon Enero a-9, nakapagtala ang bansa ng 28,707 na panibagong kaso ng COVID-19 sa ilalim ng Alert level 3. —sa panulat ni Angelica Doctolero