Nilinaw ni Interior Secretary Eduardo Año na hindi maituturing na parusa sa Philippine National Police (PNP) ang utos sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-supervise ang pambansang pulisya.
Ayon kay Año, sadyang ayaw pa ng pangulo na maghirang bagong PNP chief dahil pinag-aaralan pa niya ito.
Ngunit sa kabila nito, inamin naman ni Año na talagang dismayado ang pangulo sa isyu ng ninja cops o ang mga pulis na sangkot sa pag re-recycle ng iligal na droga.
Gusto lamang aniya ng pangulo na maging disiplina ang mga pulis na tulad ng mga sundalo.
Matatandaang itinalaga si Año para mag supervise sa PNP dahil wala pa umano mapili ang pangulo sa shortlist ng mga nominado sa pagka PNP chief.