Tinawag na political bluff ni Senador Antonio Trillanes IV ang ginawang pagpapakilos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa AMLC o Anti – Money Laundering Council para ilabas nito ang mga impormasyon sa kanyang financial status.
Kasunod na rin ito ng muling pagbuhay ni Trillanes sa bilyun – bilyong mga tagong yaman ng Pangulo at pamilya nito.
Ayon kay Trillanes, hindi naman basta makagagalaw ang AMLC nang walang pormal na written request.
Aniya, hindi rin naman kasama sa mandato ng AMLC na maglabas ng net worth ng sino man.
Sa halip, hinamon ni Trillanes ang Pangulo na pumirma ng waiver ng bank secrecy na naka-address sa bangko para makita ng publiko ang transaction history ng mga account nito.
By Rianne Briones | Report from Cely Bueno (Patrol 19)