Ikinabahala ng mga religious leader mula sa Philippine Ecumenical Peace Platform (PEPP) ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na durugin ang mga rebeldeng komunista.
Ayon sa PEPP, tiyak na lalaganap ang karahasan at paglabag sa karapatang pantao dahil sa kautusan ng pangulo.
Umaapela rin ang PEPP sa magkabilang panig na pairalin ang tigil-putukan ngayong holiday season at i-turn-over ang mga sundalo at CAFGU member na kanilang binihag sa bayan ng Sibagat, Agusan del Sur at iba pang bahagi ng Caraga Region.
Samantala, suportado naman ng mga religious leader ang House Resolution 2339 na humihimok sa pangulo na ipagpatuloy ang usapang pang-kapayapaan sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front.
—-