Binigyang katuwiran ng Malakaniyang ang naging utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo na barilin agad ang mga makakasalubong nilang armadong NPA o New People’s Army.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mayruong kapangyarihan ang Pangulo sa ilalim ng batas na utusan ang militar na barilin ang mga itinuturing na kalaban ng estado tulad ng mga komunista.
Binigyang diin pa ni Roque na hindi papayagan ng Pangulo na mamayagpag ang mga komunista na panay ang atake at banat sa mga tropa ng pamahalaan, mga negosyo maging sa mga komunidad.
Una rito, nababahala ang CHR o Commission on Human Rights sa posibilidad ng pagtaas ng bilang ng mamamatay sa labanan makaraang tuldukan na ng pangulo ang peace negotiations sa mga rebelde.
Gayunman, tiniyak ni CHR Chairperson Jose Luis “Chito” Gascon na babantayan nila ang mga gagawing hakbang, hindi lamang ng militar kundi maging sa mga rebelde.