Humirit ang UV Express drivers sa gobyerno na payagan din silang itaas sa 70% ang kanilang seating capacity.
Ayon kay Sauyo Transport Corp. Chairman Manuel Cruz, ang pagdadagdag ng kapasidad sa UV Express vehicles ay makakatulong sa mga driver lalo pa’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng langis.
Sa ngayon kasi ay 50% lang ang pinapayagang seating capacitysa mga pampublikong sasakyan.
Mababatid na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force ang pagpapatupad ng 70% kapasidad sa mga pampublikong sasakyan simula sa huwebes ngunit hindi dito kabilang ang Transport Network Vehicle Services o TNVs at mga taxi.—sa panulat ni Hya Ludivico