Nagsagawa ng dry-run ang mga UV express operator bilang paghahanda sa kanilang pagbabalik kalsada bukas, Hunyo 29.
Ito’y para matiyak na maipatutupad pa rin nila ng maayos ang minimum health protocols partikular na ang social distancing, cashless payments, at iba pa.
Sa isinagawang dry-run, kailangan munang tumapak ng pasahero sa footh bath, mag-disinfect gamit ang alcohol, at mayruon ding temperature checking.
May nakalagay ding plastic barrier sa mga sasakyan upang magsilbing partisyon sa mga pasahero at mga tsuper ng UV express.
Mula sa dating 18, pito na lamang ang isasakay na pasahero at mayruon ding marka ang mga upuan kung saan duon maaarng pumuwesto ang mga pasahero.