Naglabas ng direktiba ang pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) sa mga tauhan na bawal ang vacation leave simula ngayong Nobyembre.
Ayon kay immigration commissioner Norman Tansingco, ipagbabawal mag-leave simula November 15 hanggang January 15 upang matiyak na tuloy-tuloy ang sebisyo ng BI sa mga airport.
Dumarami na rin anya ang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa pagluwag ng COVID-19 restrictions.
Layunin nitong maiwasan ang mahabang pila sa mga paliparan dahil sa nalalapit na Holiday season. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla