Dapat managot ang French Pharmaceutical Company na Sanofi Pasteur na siyang manufacturer ng anti – Dengue vaccine na Dengvaxia kung may itinango nga itong impormasyon hinggil sa naturang bakuna
Iyan ang iginiit ni dating Pangulong Noynoy Aquino makaraang idepensa nito sa pagdinig ng Senado ang pagbili ng kaniyang administrasyon sa naturang mga bakuna na nagkakahalaga ng tatlo’t kalahating Bilyong Piso
Sa isang pulong balitaan pagkatapos ng pagdinig, sinabi ni Ginoong Aquino na kanilang ibinatay sa mga rekumendasyong ibinigay sa kanila ang pagbili nila sa mga naturang bakuna
Kasunod nito, idinepensa rin ni Aquino kung bakit naging mabilis ang pagpapalabas ng budget para sa pagbili ng naturang bakuna
May buwelta rin si Ginoong Aquino kay Atty. Ferdinand Topacio ng VACC o Volunteers Against Crime and Corruption na humihiling na kasuhan siya ng plunder dahil sa umano’y anomalya sa pagbili ng Dengvaxia