Binuweltahan ng VACC o Volunteers Against Crime and Corruption si Senador Leila de Lima.
Ayon kay Dante Jimenez, Chairman ng VACC, kung tutuusin ay isa si de Lima sa mga dapat magpaliwanag at managot kung bakit lumaganap ang illegal drug trade sa panahon ng kanyang panunungkulan lalo na sa New Bilibid Prisons (NBP).
Pinuna ni Jimenez na kahit minsan sa mga State of the Nation Address ng dating Pangulong Benigno Aquino III ay hindi nabanggit ang problema sa paglaganap ng illegal drugs.
Bahagi ng pahayag ni VACC Chairman Dante Jimenez
Kasabay nito ay inamin ni Jimenez na nakakabahala ang mga summary executions.
Sa katunayan, nagsasagawa na rin anya sila ng tahimik na imbestigasyon sa mga nangyayaring patayan.
Gayunman, iginiit ni Jimenez na hindi pa ito dapat pakialaman ng senado dahil may mga ahensya naman ng pamahalaan na puwedeng mag-imbestiga nito.
Bahagi ng pahayag ni VACC Chairman Dante Jimenez
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas