Umatras na sa kanyang pagtakbo bilang pangulo sa 2016 elections si Volunteers Against Crime and Corruption Chair Martin Diño.
Pero, ang inilagay nitong substitute ay ang pangalan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Ayon kay Diño, umatras siya sa kanyang kandidatura makaraang mabatid na posibleng ideklara siyang nuisance ng Commission on Elections (COMELEC).
Ipinagtataka ni Diño, lehitimo namang partido ang kanyang kinabibilangan na PDP-Laban kung saan galing sina dating Pangulong Cory Aquino, Vice President Jejomar Binay at dating Senador Nene Pimentel.
By Ralph Obina | Cely Bueno (Patrol 19)