Bahala na ang pamunuan ng PDP-Laban kung papalitan si Volunteer Against Crime and Corruption Chairman Martin Dinio bilang opisyal na pambato nito sa 2016 elections.
Sinabi sa DWIZ ni Dinio na susunod siya sa anumang direktiba ng kanilang partido at kampante siyang hindi maidedeklarang nuisance candidate.
Una nang umugong ang balitang papalitan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte si Dinio sa pamamagitan ng substitution bilang presidential candidate ng PDP-Laban.
“Siguro, hindi naman ako masasabi na nuisance candidate dahil nakilala naman po ako sa buong Pilipinas bilang defender ni Echegaray, pagkatapos po noon ay naging presidente tayo ng VACC at tuloy tuloy po ang ating kampanya against crime at yan apo ay nanatili hanggang ngayon,” pahayag ni Dinio.
By: Judith Larino | Karambola