Tagumpay ang war on drugs ng gobyernong Duterte.
Binigyang – diin ito sa DWIZ ni Volunteers Against Crime and Corruption o VACC Chairman Dante Jimenez, bagamat may mga tiwaling pulis na nakikipag – sabwatan sa mga drug lord para masira ang kampanya kontra iligal na droga.
Dahil dito, isinusulong ni Jimenez na maparusahan at matanggal sa serbisyo ang mga pasaway na pulis.
While the warranty of illegal drugs is a very successful and very nice program. Para maramdaman po ‘tong kasamaan ng illegal drugs dapat linisin din natin ang hanay ng ating kapulisan, tuloy – tuloy. Kung may mga nasasangkot, talagang isama din ang dismissal ‘yan at hindi lang ‘yun, tingnan din ‘yung loose of engagements.
Banat ka ng banat dyan, wala, informant mo eh… involved sa drugs, ‘yun palang informant mo galit doon sa tao, mali ‘yun. So, that’s why dapat may due process.
Sinabi pa ni Jimenez na dapat magtulungan ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa anti – illegal drugs campaign dahil kulang ang puwersa ng PDEA kung ito lamang ang kikilos para sa nasabing kampanya.
Dapat sampung libo (10,000) ‘yan o 7,000 o 8,000 ang puwersa. Kaya hindi nararamdaman ngayon kaya ang daming rape cases, daming nakawan at dumadami ang krimen sa index. Anong ibig sabihin nun? ‘Yung mga nakawan, robberies, kung ano – anong mga minor offences involving money. Dumadami ang rape cases, ang involves dyan ay ‘yung mga drug addict.