Dismayado ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa pagpapanatili ng Pangulong Rodrigo Duterte kay PNP-NCRPO Chief Debold Sinas sa pwesto.
Ayon kay VACC President Boy Evangelista, dapat ikunsidera ng pangulo na ilipat na sa labas ng NCRPO si sinas dahil wala na itong kredibilidad na pamunuan ang Regonal Police Office na nangunguna anya sa laban ng NCR sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
We are calling the attention of the president na pwede naman syang ilipat outside of NCR. I’ve heard, si Secretary Año mismo ang nagsabi na he has to go out of delicadeza, kasi, ‘yung public opinion, perception, is so important in the middle of this –itong giyera natin na ‘to. Mismong ‘yung dapat na ipatupad ay sila pa ang nagva-violate,” ani Evangelista.
Aminado si Evangelista na may agam-agam rin sila sa kahihinatnan ng imbestigasyon laban kay Sinas dahil sa naging pagsuporta ng pangulo kay Sinas.
Rmeber two-star ang iniimbestigahan (…), pag may mga ganoong pronouncement, nagkakaroon na ng prejudgment. Ang gusto lang ng tao namin, sa VACC, bumaba sya sa post niya as NCRPO, simply because ang NCR –ito ang battleground ng COVID-19,” ani Evangelista. —sa panayam ng Ratsada Balita