Dismayado ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa muling pagbubukas ng imbestigasyon ng Mamasapano incident kahapon.
Ayon kay VACC Chair Dante Jimenez, umasa silang may mga bagong testigo at mga bagong ebidensya ang lalabas sa naturang imbestigasyon.
Gayunman, pinapurihan ni Jimenez si Senador Juan Ponce Enrile sa pagbibigay nito ng mga mahihirap na tanong at sa pagdidiin sa responsibilidad at accountability ng Pangulong Noynoy Aquino sa naturang operasyon.
Una rito, ipinabatid ng VACC na plano nilang sampahan multiple murder charge si Pangulong Aquino matapos nitong bumaba sa puwesto.
By Ralph Obina