Kinuwestyon ng VACC o Volunteers Against Crime and Corruption ang deklarasyon ng Philippine National Police (PNP) na case closed na ang kasong pagpatay kay Bulacan RTC Judge Wilfredo Nieves.
Ayon kay Boy Evangelista, Spokesman ng VACC, hindi katanggap-tanggap ang sinasabi ng PNP na nagtangkang mang agaw ng baril ang suspect sa pagpatay sa hukom kaya ito binaril ng mga pulis.
Sinabi ni Evangelista na kahit ang media o ang pamilya ni Judge Nieves ay hindi man lang nabigyan ng impormasyon na mayroon na palang nahuling suspect sa pagpatay kay Judge Nieves.
Si Judge Nieves ang humatol ng 30 taong pagkabilanggo kay Raymond Dominguez, isa sa pinaniniwalaang lider ng carnapping syndicate.
“Ang conception namin dito yung rules of engagement ng pulis, mali po, unang-una ang sinasabi nila ay ito ay isang high profile gun for hire, dangerous then bakit ang posas po ay nakaharap? Ang SOP nun pag nakaposas it should be nasa likod, at ano po ang magiging dahilan nitong gunman na gumawa ng extrajudicial confession and then later on, on the way for inquest ay mang-aagaw siya?” Pahayag ni Evangelista.
By Len Aguirre | Ratsada Balita