Bukas ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na tulungan ang pamilya ni Reynaldo Momay.
Si Momay ang ika-58 biktima ng malagim na Maguindanao Massacre na tanging dentures lang ang natira sa kaniyang labi.
Sa panayam ng DWIZ kay Arsenio Boy Evangelista, pangulo ng VACC, bagama’t mahirap nang matunton kung nasaan ang labi ni Momay, dapat sana’y naikunsidera pa rin ng Korte ang mga substantial evidence nito.
Dapat kinonsider din yun, he was there number 58 siya yung mga circumstantial evidence tapos meron din yung piece of evidence, yung dental dapat nagkaroon lang siguro ng matching katulad ng ginawa natin almost ten years ago sa Cabanatuan. We feel for the family of number 58, VACC anytime we will try our best to reach out with the family,” ani Evangelista. — sa panayam ng Ratsada Balita.