Hinamon ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC si Senador Leila De Lima na magbitiw sa lehislatura at magsilbing abogado ni dating Pangulong Noynoy Aquino
May kaugnayan ito sa isinampang kaso laban kay Ginoong Aquino hinggil sa madugong engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao nuong Enero ng nakalipas na taon
Ginawa ni VACC Founding Chairman Dante Jimenez ang pahayag kasunod ng sinabi ni De Lima na papansin sa publiko ang isinampang kaso laban sa dating Punong ehekutibo
Sinabi ni Jimenez na ipakikita lamang ni De Lima ang kaniyang pagkiling kay ginoong Aquino lalo’t tinatarget umano nitong pamunuan ng Committee on Justice sa Senado
By: Jaymark Dagala