Humanga ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) kay Vice President Leni Robredo sa pagtanggap nito sa posisyon bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Ayon kay VACC President Boy Evangelista, bilib sa ikalawang pangulo sa pagkasa nito sa panibagong hamon para maging ‘drug czar’ ng bansa.
Naniniwala naman si Evangelista ng may magandang intensiyon para tumulong sa gobyerno.
Sincere naman siya, tinanggap niya, ang ibig sabihin with good intentions, t’yaka dito at stake ‘yung pangalan niya, career niya as VP,” ani Evangelista.
Ngunit paalala ni Evangelista kay Vice President Robredo, ngayong miyembro na ulit siya ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ay maghinay-hinay na siya sa pagbatikos sa administrasyon.
Magrefrain siya sa mga pronouncements na adverse sa present platform,” ani Evangelista. — sa panayam ng Ratsada Balita