Nanawagan ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ng mahigpit na monitoring sa pagmamay-ari ng baril matapos isulong ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aarmas sa civilian organizations.
Ito ayon kay VACC Spokesperson Arsenio Boy Evangelista ay dahil posibleng gamitin ng ilang sibilyan ang kanilang mga armas sa iligal na paraan.
Sila aniya ay talagang mayroong baril bilang proteksyon sa kanilang mga sarili lalo na’t karamihan sa kanila o kanilang kaanak ay biktima ng karahasan.
Sinabi sa DWIZ ni Evangelista na tutulong sila sa PNP para sa mas mahigpit na pagbusisi sa mga impormasyon bago maaprubahan ang permit na makapagbitbit ng baril ang isang sibilyan.
“Major participation namin dito sa coalition is to gather vital informations, assessments, validations ng information to be given sa PNP for them to validate pero non-combatants po kami we won’t engage presently meron naman kami mga armas.” Ani Evangelista sa panayam ng DWIZ.