Isinusulong ng grupong VACC ang kamatayan para sa Road Rage Suspect na si Vhon Martin Tanto
Sinabi ni VACC Founder Dante Jimenez na malinaw na halimbawa ng Impunity of Violence ang sinapit ng siklistang si Mark Vincent Garalde sa kamay ng suspek na isang Army Reservist
Ayon kay Jimenez tiyak na matitigil na ang walang katuwirang pagpatay sa muling pagbabalik ng parusang kamatayan
Kasabay nito ipinabatid ni Jimenez ang pagtulong nila kay Rossel Bondoc, 19 na taong gulang na nasa ICU ng Mary Chiles Hospital na tinamaan ng ligaw na bala sa nasabing insidente
By: Judith Larino / Aya Yupangco