Kumpiyansa ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na hindi maibabasura ang kanilang reklamo laban kay Senator Leila de Lima na nakahain sa Department of Justice o DOJ.
Ito, ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, lead counsel ng VACC, ay dahil hindi maaaring ituring na hearsay ang kanilang isinamang ebidensya.
Binigyang diin ni Topacio na bukod sa malinaw sa testimonya ng mga inmate ang pagkolekta ng drug money para sa senadora, nakahanda din ang mga itong humarap sa imbestigasyon.
By Katrina Valle | Bert Mozo (Patrol 3)