Makikilahok ang Volunteers Against Crime and Corruption o VACC sa ilulunsad na “Run Duterte Run” sa Rizal Park sa Maynila sa Sabado, Setyembre 26.
Layunin ng rally na himukin si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagka-Pangulo sa susunod na taon.
Ayon kay VACC Chairman Dante Jimenez, tuloy ang naturang People’s Initiative at naniniwala siya na si Duterte lang ang may kakayahang sugpuin ang iba’t-ibang uri ng krimen sa bansa.
Matatandaang nanawagan si Duterte sa mga organizer na huwag na itong ituloy dahil wala siyang balak na tumakbo at katunayan ay magreretiro na siya sa pulitika sa 2016.
By Jelbert Predez | Aya Yupangco