Nakatakdang magharap ng isang testigo ang VACC o Volunteers Against Crime and Corruption sa isasagawang pagdinig ng senado hinggil sa Dengvaxia dengue vaccine bukas.
Ayon VACC Founding Chairman Dante Jimenez, pormal nang pinadalhan ng senate blue ribbon committee ang kanilang hawak na testigong doktor na mula mismo sa DOH o Department of Health.
Dagdag ni Jimenez, kasama ng hindi pinangalanang testigo si Atty. Ferdinand Topacio na dadalo sa pagdinig bilang kinatawan ng VACC.
Tiniyak pa ni Jimenez na maraming nalalaman ang nasabing testigo sa pinagmula ng pagbili ng Dengvaxia vaccine at nasa labing isang (11) mga dating opisyal ng DOH ang idinawit umano nito sa usapin.
“Ipe-present ni Atty. Ferdy Topacio ang isang insider from DOH na nakakaalam nitong…kinaumpisahan nitong Dengvaxia na ito, paano ito na-purchase, sino nag utos, sino nagpa order, sino lahat nagpaumpisa, saan galing ang funds, meron po siyang alam diyan. Nakausap ko na ito, March pa ito eh. Dinulog na sa aking yan, itong Dengvaxia na ito. Ang impact nito, sabi nga nila sa ano nila, 2 to 3 years.”