Tiwala ang VACC o Volunteers Against Crime and Corruption na matutupad ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pangakong susugpuin ang kriminalidad sa loob ng 3 hanggang 6 na buwan.
Sinabi sa DWIZ ni VACC Founding Chairman Dante Jimenez na suportado nila ang pangulo sa nasabing adhikain.
Bahagi ng pahayag ni VACC Founding Chairman Dante Jimenez
Kasabay nito, binigyang diin ni Jimenez na boluntaryo ang tulong nila kay Duterte kayat hindi nila inaasahan ang anumang puwesto sa gobyerno.
Bahagi ng pahayag ni VACC Founding Chairman Dante Jimenez
By Judith Larino | Ratsada Balita