Pinatututukan ng VACC c o Volunteers Against Crime and Corruption sa PNP o Philippine National Police ang kapuna-punang lumalawak na gun for hire industry sa bansa.
Kasunod na rin ito ng sunod-sunod na mga kaso ng pagpatay sa ilang mga lokal na opisyal ng pamahalaan sa buong bansa.
Ayon kay VACC Spokesperson Boy Evangelista, nakaaalarma na ang serye ng mga pagpatay sa bansa na kinasasangkutan ng mga prosecutors, barangay captains, mga pari at kamakailan mga alkalde at iba pang local officials.
Dagdag ni Evangelista, halos katumbas na sa mga nagaganap na karaniwang krimen tulad ng kidnapping, gun running, pagbebenta ng iligal na droga o roberry holdup ang palaki ng palaking industriya ng mga gun for hires sa bansa.
Sinabi pa ni Evangelista, makabubuti rin aniya kung bubuo ng isang special task force ang PNP na tututok at magbabantay lamang sa mga binubuong gun for hire sa buong bansa.