Nangangamba ang VACC na posibleng maibasura lamang ng Sandiganbayan ang isinampang kaso laban kina dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa pagkasawi ng SAF 44 sa Mamasapano Maguindanao noong 2015.
Ito ay matapos na irekomenda ng ombudsman na i-downgrade sa kasong graft at usurpation of authorities ang isinampang multiple homicide laban kay Aquino.
Iginiit ni VACC Founding Chairman Dante Jimenez, na hindi lamang dapat kasong administratibo o minor criminal case ang isampa sa dating Pangulo.
Dagdag ni Jimenez, maaari pang maibasura ang kaso laban kay Aquino dahil sa posibleng makitang butas sa ginawang pag-downgrade ng Ombudsman sa kaso.
By: Krista de Dios
VACC nangangambang maibasura ng Sandiganbayan ang kaso ni ex-Pres. Noynoy was last modified: July 16th, 2017 by DWIZ 882