Nilinaw ni VACC Chairman Dante Jimenez na hindi nila pinatitigil ang anti-illegal drugs campaign ng gobyernong Duterte.
Sinabi sa DWIZ ni Jimenez na ang nais lamang nila ay mapanagot ang mga pulis na inaabuso ang nasabing kampanya sa pamamagitan nang pagtatanim ng droga gayundin ng mga armas.
Kasunod na rin ito nang naunang pagbubunyag ng VACC hinggil sa ‘tanim droga’ sa Mabalacat at Bacolor, Pampanga.
“Ang aming concern dito ay yung mga police operatives, yung mga ganung operations sa tokhang, yung mga ganung illegal drugs activities na pwede ba, ayusin nila ang kanilang hanay at yung mga kalakaran na matagal naming sinasabi na kayo’y nagpa-planting ng ebidensya, hindi lamang droga, pati baril. Itigil na yan! Dahil nakakaawa naman yung mga victims na pinaghahanapbuhay ninyo”, ani Jimenez.
Samatala, kinontra ni Jimenez ang ipinalabas na video footage ng mga otoridad kaugnay sa umano’y pagkakasangkot ng isang lalaki sa drug operations.
Ayon kay Jimenez, hindi si Engr. Wilhelmo Galura, City Engineer ng Bacolor, Pampanga ang nasa video at wala itong anumang naunang kasong may kinalaman sa iligal na droga.
Ipinabatid ni Jimenez na ilang beses niyang pinanuod partikular ng kanilang coordinator sa Region 3 na si Pyra Lucas ang nasabing video footage at ang lalaki o suspek dito ay hindi si Galura.
“Mali yun! Alam mo, video-video sila hindi si Galura yun, depensa lang nila yan. Tinignan ko ng husto, pina-replay ng pina-replay ni Pyra yan, hindi siya [Galura] yun. Ang mga ginagawa nila dyan hindi acceptable yan. Nag file na pala ang victims laban sa kanila”, pahayag ni Jimenez sa pranayama ng DWIZ.
By Judith Estrada – Larino | Sapol si Jarius Bondoc (Interview)