Pinag-aaralan pa ng VACC o Volunteers Against Crime and Corruption ang paghahain ng impeachment complaint laban kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Sa panayam ni Jaymark Dagala sa programang ‘Balitang 882’ kay VACC Chairman Dante Jimenez, sinabi nito na mabagal ang usad ng mga kaso sa Ombudsman kaya’t hindi pa nila mai-file ang naturang complaint laban kay Morales.
‘Yang kay Morales hindi pa naaayos ng mga abogado namin ‘yan dahil ang daming nadadagdag na mga complaint laban kay Ombudsman.
Ang daming pumapasok dahil sa kabagalan ng Ombudsman na ma-resolved ‘yung kanilang mga complaint. They are really too slow at masyado ata silang selective. Sa amin nga, 5 years, 3 years naka-pending pa, wala pang aksyon.
Ang hirap naman mag-follow up doon, ang hirap mag-follow up sa Ombudsman.
Ang nangyayari dyan sa Ombudsman, follow up ka ng follow-up.
Binalikan din ni Jimenez ang mga dating kaso na hinawakan ng Ombudsman partikular na ang pagpapanagot sa mga sangkot sa Mamasapano incident kung saan namatay ang tinaguriang SAF 44.
Tinuligsa din ni Jimenez ang naging pagkilos ng Ombudsman laban sa mga mambabatas na nadawit sa Pork Barrel Scam.
Justice denied is justice denied. ‘Yan ang problema ng Ombudsman.
Kaya kami, nabu-bwisit na kami sa Ombudsman na ‘yan dahil katulad nung sa SAF 44, oh? Anong nangyari? Ang bilis-bilis nga pero tinanggal naman nila si [dating Pangulong Noynoy] Aquino.
Oh ‘yung sa DAF, ganun din, medyo mabilis, pero tinanggal naman nila si Aquino, bakit ganun?
Sa ngayon ani Jimenez ay wala pang nag – eendorso sa plano nilang paghahain ng reklamo laban sa punong mahistra do.
“Maingat kami, kaya on the record, wala pa kaming fina-file dyan sa Ombudsman dahil marami ngang pumapasok na complaints, ang kapal-kapal nyan.
Tingnan natin, in due time, meron na makita ng mga Congressman na medyo malinis-linis dyan, ‘Ah, pwede na ‘to’. Oh, ‘di ipa-file namin.
Pero ngayon, maraming pumapasok eh.
VACC sa umano’y lagayan sa loob ng Ombudman
Posible umanong nagkakaroon ng lagayan sa loob ng Ombudsman.
Ayon kay VACC Chair Dante Jimenez, duda sila na pinagkaka-perahan ng mga opisyal ng Ombudsman ang mga ipina-file na complaints sa kanila.
Duda pa nga naming dyan baka pinagka-kwartahan ‘yang mga ganyan. I hate to say it but kasi why prolong it?
Ang nangyayari dyan sa Ombudsman, follow up ka ng follow-up.
So ‘yung complainant, either, ito lang ah, either, ito lang ang aming speculation, naglalagay, inaareglo ang mga complainant at tsaka ‘yung complaint mismo para mabaliktad o whatever.
Nagpahayag din ng pagkabahala si Jimenez para sa mga complainant na lumalaban sa mga pulitikong angat sa buhay.
Selective masyado, how about ‘yung mga complaint ng maliliit nating mga kababayan? Laban sa mga pulitiko, mga mapera.
Kasi siguro pinagka-kwartahan ng mga opisyales dyan sa Ombudsman, ‘yun ang duda namin, kasi, bakit ang tagal?
Sa huli, sinabi ni Jimenez na binigyan nila ng award ang Ombudsman na tinawag nilang ‘Kalabasa Award’ dahil sa umano’y atraso nito sa taumbayan.
Hindi namin sainyo pwedeng i-sight dahil ang daming atraso ang Ombudsman sa Taumbayan.
Grabe ang atraso nyan sa atin eh.
Ano nga naming dyan eh, ‘Kalabasa Awardee’ namin ngayong taong ‘to.