Hinamon ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC ang Department of Interior and Local Government o DILG na ilabas ang blue book o listahan ng mga taong sangkot sa iligal na droga.
Ayon kay VACC Spokesman Boy Evangelista, ilang lokal na opisyal tulad ng mga alkalde at konsehal ang direktang sabit sa iligal na droga sa bansa.
Nagtataka si Evangelista sa aniya’y ginagawang cleansing umano ng PNP dahil sa puro small time drug peddlers lamang ang napapatay ng mga pulis.
Dahil dito, sinabi ni Evangelista na dapat masampolan din ng pulisya sa pangunguna ng DILG ang mga bigtime drug personalities upang mapatunayang hindi pakitang tao lamang ang kanilang ginagawa.
PNP gens
Samantala, sa panayam ng DWIZ, ikinalungkot ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang ibinunyag ni incoming President Rodrigo Duterte na tatlong heneral ng Philippine National Police (PNP) ang diumano’y sangkot sa operasyon n g iligal na droga sa bansa.
Ito ay sa kabila ng panawagan at taning ni President-elect Rodrigo Duterte sa tatlong heneral ng PNP na umano’y sangkot sa illegal drugs at iba pang iligal na gawain na kusa ng na magretiro hanggang Hunyo 30.
Matatandaang sa mensahe ni Duterte sa oathtaking ceremony ni Sen. Manny Pacquiao kamakalawa, sinabi nito na kapag hindi kusang nagretiro ang tatlong PNP generals ay papangalanan niya ang mga ito.
Ayon kay Boy Evangelista, tagapagsalita ng VACC, malaking oportunidad para sa mamayang Pilipino na malaman kung sino sino sa hanay ng mga heneral sa PNP ang sangkot sa operasyon ng illegal na droga sa bansa.
Bahagi ng pahayag ni VACC Spokesman Boy Evangelista
By Jaymark Dagala | Mariboy Ysibido | Balitang Todong Lakas