Ikinatuwa ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang pagkakatalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte kay Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).
Sa panayam ng DWIZ, binigyang diin ni Boy Evangelista, pangulo ng VACC, na ‘best choice’ ng Pangulong Duterte si Eleazar sa naturang posisyon.
Best choice ‘to ni presidente sa posisyon nya,” ani Evangelista.
Panahon pa lamang aniya nang nanunungkulan pa si Eleazar bilang direktor ng Quezon City Police District (QCPD) ay nakita na nila ang kanyang magandang liderato sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Napatunayan na rin aniya ni Eleazar ang kanyang inisyatibo kaugnay naman sa kampanya kontra krimen.
Masayang masaya kami ngayon kasi VACC awardee namin, major awardee noong QCPD director sya,” ani Evangelista.
Binati rin ni Evangelista ang buong hanay ng Pambansang Pulisya sa kanilang tagumpay.
Kino-congratulate namin ang buong PNP orgaization at pangalawa si Gen. Guillermo Eleazar. Ang tagumpay ni Gen. Eleazar ay tagumpay ng PNP,” ani Evangelista. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais