Naniniwala ang Volunteers Against Crime and Corruption o VACC na kayang puksain ni President-elect Rodrigo Duterte ang kriminalidad sa bansa sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.
Sa panayam ng DWIZ, binigyang diin ni VACC Board Member Arsenio “Boy” Evangelista na hindi umano ‘accurate’ o kapani-paniwala ang mga datos na inilalabas ng mga law enforcement agencies patungkol sa mga nagaganap na krimen dahil hindi naman ito nararamdaman.
Kumpiyansa rin si Evangelista na may kakayahan si Duterte na solusyunan ang katiwalian at korapsyon sa hanay ng hudikatura, Pambansang Pulisya at iba pang sangay ng pamahalaan.
Bahagi ng pahayag ni VACC Board Member Arsenio ‘Boy’ Evangelista
By Jelbert Perdez | Karambola