Hindi mandatoryo ang vaccination cards para makaboto sa Halalan 2022.
Binigyang-diin ni COMELEC-5 Director III At Concurrent Sorsogon Provincial Election Supervisor Calixto Aquino , na ang Right of Suffrage ay nasa ilalim ng konstitusyon at may mga tiyak na kwalipikasyon ang mga indibidwal upang magamit ito.
Nagbigay siya ng halimbawa ng isang kaso kung saan ang isang kandidato ay hiningan na magsumite ng resulta ng drug test result bilang requirement sa paghahain ng certificate of candidacy, ngunit ayon sa Korte Suprema ay hindi ito naaayon sa batas.
Kung gagawing mandatory requirement aniya ang vaccination card sa araw ng halalan isa itong paglabag sa batas dahil wala naman ito sa konstitusyon ng bansa.