Hindi na kailangan ng mga biyahero na magpakita ng vaccination cards mula sa Western Visayas Region papunta ng Isla ng Guimaras.
Kasunod ito ng Executive Order no. 2022-28 na ipinasa ng Guimaras Provincial Board sa tulong na rin ni Gobernador Samuel Gumarin para mapagaan ang mga travel protocol laban sa COVID-19.
Kabilang sa mga lugar na hindi na kailangan ng vaccination cards ay ang mga residente ng Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, at Negros Occidental Provinces gayundin ang highly urbanized na lungsod ng Iloilo at Bacolod.
Base sa naturang resolusyon ang mga biyaherong papasok mula sa labas ng Western Visayas ay kailangan pa ring magpakita ng mga vaccine cards.
Kung hindi pa nabakunahan ang isang biyahero ay dapat pa ring magpakita ng test results upang masigurong hindi ito nahawaan ng sintomas ng COVID-19.
Samantala, bukod sa vaccination cards, inalis na rin ang pag-iisyu ng inbound at outbound travel pass sa mga nabanggit na lugar.