Dapat itabi o ingatan ng mga ‘fully vaccinated individuals’ ang kanilang vaccination cards.
Ito’y dahil ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, naghahanda na ang gobyerno para sa ipatutupad na digital identification system na magbe-verify sa vaccination status ng isang indibidwal.
katunayan, sinabi ni Lopez na inaasahang mailulunsad na ngayong buwan ng Department of Information and Communications Technology ang digital vaccine ID.