Inihayag ni Department of Trade And Industry (DTI) Consumer Protection Group Undersecretary Ruth Castelo na hindi na kailangang ipakita ang kanilang vaccination cards sa mga malls na nasa ilalim ng Alert Level 2.
Ayon kay Castelo, na dapat magluwag ang mga mall sa publiko dahil para sa lahat ang ibinabang kautusan ng IATF.
Gayunpaman, sinabi ng opisyal na nakadepende pa rin sa mga business owners kung may mga ipatutupad na mga alituntunin sa loob ng kanilang establisyemento kung tatanggap ang mga ito ng bakunado o hindi.
Samantala, iginiit ni Castelo na sundin pa rin ang mga minimum health protocols kahit na patuloy na bumababa ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa. —sa panulat ni Kim Gomez