Inaprubahan ng National Task Force (NTF) ang panukalang maglagay ng expiry date sa mga vaccination card upang mas dumami ang bilang ng mga indibidwal na magpapa-booster shot.
Sa panukala ni Presidential Adviser for entrepreneurship Joey Concepcion nakasaad dito na dapat ay lagyan ng expiration date ang mga vaccination card at palitan ang mga ito ng booster card upang hikayatin ang mas marami ang makakumpleto na ng ikatlong dose kontra COVID-19.
Sinuportahan naman ito ni NTF Adviser Dr. Ted Herbosa upang mahikayat ang mamamayan na magpa-booster na.
Dagdag pa ni Herbosa, maliban sa paghikayat sa mga indibidwal na magpabakuna ay makatutulong din ito upang magamit na ang mga bakunang malapit nang mag-expire. —sa panulat ni Mara Valle