Pinabubusisi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga may-ari ng restaurant at iba pang establisyemento ang vaccination cards ng kanilang customers.
Ito, ayon kay DILG Spokesman, Undersecretary Jonathan Malaya, ay upang maka-avail ng indoor services ang mga bakunado sa kabila ng ipinatutupad na GCQ with alert level 4 sa Metro Manila.
Sa ilalim ng alert level 4, papayagan ang indoor dine-in service sa 10% capacity pero para lamang sa mga fully vaccinated.
Dapat din anyang fully vaccinated ang mga empleyado ng mga establisyimentong pinayagang makapag-operate sa ilalim ng panibagong alert level system.—sa panulat ni Drew Nacino