Inanunsyo ni Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar na nadagdagan pa ang mga kinikilalang COVID-19 vaccination certificate ng Pilipinas.
Kabilang aniya sa mga bansang ito ang Bangladesh, Mexico, Panama, at Slovak Republic.
Ayon kay Andanar, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagkilala sa certificates ng naturang mga bansa para sa arrival quarantine protocols at interzonal o intrazonal movement.
Ang Bureau of Quarantine, Department of Transportation – One-Stop-Shop, at Bureau of Immigration ang inatasan upang kilalanin ang mga newly approved vaccination certificate.