Kinilala na ng Pilipinas ang COVID-19 Vaccination certificate ng tatlo pang bansa.
Kabilang dito ang Morocco, Kenya at Serbia na ibinatay sa rekomendasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon kay Communication Secretary Martin Andanar, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon, na magagamit sa arrival quarantine protocols at interzonal o intrazonal movement.
Una nang kinilala ng Pilipinas sa proof of vaccination ng higit 60 pang bansa kabilang ang Iran, Nepal, Singpore, UAE, Canada at iba pa.
Inatasan naman ng IATF ang Bureau of Quarantine (BoQ), Department of Transportation (DoTr), at Bureau of Immigration (BI) na kilalanin lamang ang mga proof of vaccination na inaprubahan ng IATF.