Inihayag ng Department of Health (DOH), na tumaas ng 49.3% ang vaccination coverage sa 5 hanggang 11 taong gulang.
Ito’y kasunod ng 132, 000 na indibidwal ang nakatanggap ng kanilang first booster shot sa ikinasang 3-days “Bakunahang Bayan” laban sa Covid-19.
Layunin nitong, mapataas ang booster uptake at vaccination coverage sa pediatric population kung saan, target na maturukan ang 10.8 million para sa naturang age group.
Sa huling datos ng ahensya, lumalabas na 73.6 million na mga Filipino ang fully vaccinated na laban sa Covid-19, kung saan 20.9 million na ang nakatanggap ng karadagdang bakuna.