Tumaas ang antas ng bakunahan kontra COVID-19 sa Pilipinas matapos ang halalan noong Mayo a-9.
Ayon kay Department of Health (DOH) undersecretary Myrna Cabotaje na Chairperson din ng National Vaccination Operation Center (NVOC), umabot sa 200K ang bakunang naituturok sa bansa kada araw.
Mula ito sa 100K bago magsimula ang eleksyon.
Kumpiyansa naman ang opisyal na maaabot ng pamahalaan ang target na 77M Pilipinong kailangang bakunahan, bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa huling datos, nasa 69.1M ang fully-vaccinated sa buong bansa, katumbas ng 76.87% ng populasyon.
Para sa mga nagpaturok ng second booster, umaabot na ito sa 171, 848.